Pinayuhan ng isang Obispo ng Simbahang Katoliko ang mga botante na kung walang mapiling iboboto sa mga kandidato sa eleksiyon sa Mayo 9 ay mas makabubuting iblangko na lang ang balota.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Episcopal Commission on the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), hindi tamang pumili ng mga kandidato na maituturing na “lesser evil”, dahil ito ay malinaw na mali pa rin na pagboto.

“Kung wala naman tayo mapili, huwag tayong pumili ng lesser evil because to vote for lesser is a vote for evil. Kaya kung wala tayong makita na karapat-dapat, ang hindi paglalagay ng pangalan sa ating balota ay bahagi na rin ng ating political choice at hangarin na maibalik ang kultura ng kabutihan sa political system ng bansa,” pahayag ni Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon pa kay Pabillo, bahagi rin ito ng commitment ng mga mananampalataya sa Eukaristiya at sa ating pananampalataya na maging responsable sa ating pagboto at huwag hayaang maibenta at maimpluwensiyahan ang boto. (Mary Ann Santiago)

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?