NILAPITAN ng rapper at fashion designer na si Kanye West, na umaming baon sa $53 million na pagkakautang, ang Facebook, Inc.’s Chief Executive Officer na si Mark Zuckerberg at inialok ang kanyang “ideas” kapalit ng $1 billion.

Nakiusap si West sa kanyang Twitter followers na tulungan siyang mapapayag si Zuckerberg. “World, please tweet, FaceTime, Facebook, Instagram, whatever you gotta do to get Mark to support me …” tweet ni West. (@kanyewest).

Humingi rin ng tulong ang rapper kay Alphabet, Inc. CEO Larry Page dahil sa kanyang problemang pinansiyal.

Sinabi ni West, na umaming siya ay may “still 53 million dollars in personal debt,” na hindi nagbibigay ng tulong-pinansiyal ang mga tao sa “real artists” na tulad niya, kundi sa mga open school sa Africa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ilang Twitter user ang personal na nakiusap na rin kay Zuckerberg sa pamamagitan ng Facebook Messenger, upang tulungan ang rapper na mabayaran ang mga utang nito.

“I write this to you my brothers while still 53 million dollars in personal debt,” pagsisiwalat ng rapper sa kanyang Twitter followers. “Please pray we overcome … This is my true heart.”

Ayon sa Business Insider website, ang pinakabagong clothing line ni West ay nagbebenta ng mamahaling coat at jacket na aabot sa $3,000 hanggang $4,000. Ang Kanye West sweatpants pa lang ay nagkakahalaga na ng $510.

Sa kanyang panayam noong 2015 sa BET, sinabi ng rapper na umutang siya ng $16 million para sa kanyang fashion business. (Reuters)