WASHINGTON (PNA/Xinhua) – Naglabas ang U.S. Food and Drug Administration (FDA) nitong Martes ng isang bagong gabay na nagpapayo sa mga bumiyahe sa mga lugar na may active transmission ng Zika virus sa nakalipas na apat na linggo, na umiwas sa pagbibigay ng dugo.

Kabilang sa mga indibiduwal na itinuturing na nasa panganib ang mga mayroong sintomas ng posibleng impeksiyon ng Zika virus sa nakalipas n apat na linggo at mga nakipagtalik sa isang tao na bumiyahe, o nanirahan sa mga lugar na apektado ng Zika sa nakalipas na tatlong buwan.

Sinabi ng FDA na ang mga indibidwal na ito ay kailangang maghintay ng apat na linggo bago magbigay ng dugo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina