volleyball copy

Mga laro bukas

(San Juan Arena)

8 n.u. -- DLSU vs UP (Men)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

10 n.u. – NU vs UST (Men)

2 n.h. -- UE vs UST (Women)

4 n.h. -- UP vs AdU (Women)

Naisalba ng defending back-to- back champion Ateneo ang matikas na ratsada ng University of the Philippines para makuha ang 25-19, 25-21, 25-21, panalo at patibayin ang kapit sa liderato ng UAAP Season 78 women’s volleyball tournament nitong Linggo sa San Juan Arena.

Nakipagpalitan ng lakas ang Lady Maroons sa bawat pagkakataon, higit sa labanan sa net, subalit sadyang mas maigting ang determinasyon ng Lady Eagles para kunin ang ikaapat na sunod na panalo sa loob ng 77 minuto at hatakin sa 22 ang kanilang winning run mula noong Marso 2014.

Nauna rito,pinadapa ng National University ang University of the East, 25-12, 25-13, 25-16, upang tumabla sa De La Salle sa ikalawang puwesto taglay ang barahang 3-1.

Nagposte ang reigning MVP na si Alyssa Valdez ng 13 puntos habang nagdagdag sina middle hitter Bea de Leon at Maddie Madayag ng pinagsamang 23 hits para sa Lady Eagles.

“It’s a good sign na nagkakaroon kami ng good receiving and communication para magkaroon ng magandang flow inside the court,” pahayag ni Valdez.

Nawalan naman ng saysay ang game-high na 16 puntos ni Diana Carlos dahil hindi nito naisalba ang Lady Maroons sa pagbagsak sa fifth spot kapantay ng Adamson na may barahang 1-2.

Nakapagtala naman ang Lady Bulldogs ng kanilang ikatlong sunod na panalo makaraang panatilihing winless ang Lady Warriors matapos ang tatlong laban.

“And tinitignan ko eh ‘yung laro namin kung nag-iimprove na ba yung fluidity ng team. Doon ako concerned,” pahayag ni NU coach Roger Gorayeb.

Nanguna para sa Lady Bulldogs si Jaja Santiago na may 11 puntos habang nagtala ng tig-limang puntos sina Seth Domingo at Shaya Adorador sa Lady Warriors. (Marivic Awitan)