HANOI, Vietnam (AP) — Apat na prison guard sa hilaga ng Vietnam ang sinuspinde sa kapabayaan matapos na isang babaeng preso, nasa death row dahil sa drug trafficking, ang nabuntis, nangangahulugan na ibababa ang sentensiya nito sa habambuhay na pagkakakulong sa oras na ito ay manganak, iniulat ng media nitong Martes.

Ayon sa pahayagang Thanh Nien, si Nguyen Thi Hue, 42, ay inaresto noong 2012 dahil sa drug trafficking at hinatulan ng bitay noong 2014. Ibinasura ng korte ang kanyang apela nang taon ding iyon.

Nakasaad sa ulat na habang nasa kulungan, nagbayad si Hue ng $2,300 sa isang 27-anyos na lalaking preso para siya ay buntisin. Nakatakda siyang magsilang sa Abril.

Sa ilalim ng Vietnamese law, ibababa ang sentensiya ni Hue sa life imprisonment dahil sa pagkakaroon ng anak na wala pang tatlong taon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'