HINDI maipaliwanag ni Piolo Pascual ang naramdaman ngayong natupad na ang isa sa mga pangarap niya, ang makasama sa pelikula si Dawn Zulueta.
Kaya ginagawa niya ang lahat ng makakaya at preparasyon para maayos niyang magampanan ang papel (bilang disc jockey) sa pelikula nila.
“Almost everyday I’ve been doing a lot of immersion kasama ko ang director namin. Pumupunta pa ako sa mga clubs para makapag-observe sa mga DJs. Hindi na siya matanggal sa utak ko, even with Ms. Dawn. I’m so excited because she’s equally excited, so sana, sana maganda ang kalabasan,” banggit ng sikat na actor.
Kakaiba raw ang character niya sa bagong pelikulang ito, pero hanggang doon lang daw muna ang maaari niyang ikuwento.
Tuwang-tuwa rin si Piolo na kasama sa mga nominado para sa Berlin International Film Festival ang pelikula niyang Hele sa Hiwagang Hapis (A Lullaby To The Sprrpwful Mystery) na pinagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz mula sa direksiyon ni Lav Diaz.
Nominado ang pelikula nila sa dalawang kategorya, Golden Bear and Silver Bear awards. Paliwanag niya, ang Golden Bear ay katumbas ng Best Film, samantalang ang Silver Bear naman ay para sa kategorya ng acting, production, at writing.
Excited si Piolo sa mga papuring tinatanggap ng kanilang pelikula. Aniya, kasama ang lahat ng bumubuo ng pelikula patungong Berlin upang dumalo sa awarding.
“I think more than anything, it’s a privilege. At the same time, it’s an honor, because we’re not just representing the movie, but we’re representing the country. Being a sole nominated film for the Philippines, parang dala natin ‘yung flag natin,” sey pa ng actor. (JIMI ESCALA)