Inaprubahan ng gobyerno ng Pilipinas ang public exhibit at subasta ng koleksiyon ng mga alahas ni dating first lady Imelda Marcos, na batay sa appraisal ng international experts ay nagkakahalaga na ngayon ng $21 million (P1 billion), sinabi ng mga opisyal kahapon.

Ang mga alahas ay nasamsam nang tumakas ang dating pangulong Ferdinand Marcos at kanyang pamilya patungo sa Hawaii noong 1986 kasunod ng EDSA Revolution na tumapos sa dalawang dekada niya sa kapangyarihan. Kabilang sa mga alahas ang isang 25-carat, barrel-shaped diamond na nagkakahalaga ng $5 million (P237-M) at isang Cartier diamond tiara na ngayon ay ilang beses nang mas mataas ang halaga kaysa naunang pagtaya na $30,000 hanggang $50,000 (P1.422-M hanggang P2.370-M).

Sinabi ni Andrew de Castro ng Presidential Commission on Good Government, ang ahensiya na inatasang bumawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos, na umaasa silang maidaos ang exhibit at subasta bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hunyo, kung kailan nakatakda ring magtapos ang mga termino ng kasalukuyang miyembro ng komisyon.

Nitong nakaraaang linggo ay inaprubahan ng Privatization Council ng gobyerno, sa pamumuno ng Department of Finance, ang pagbebenta sa mga alahas. Gayunman, ang isang parte ng koleksiyon na nasamsam sa Malacañang nang tumakas ang mga Marcos, ay pinag-aagawan pa sa korte. Ang iba pang mga piraso ng mga alahas ay nasamsam sa Hawaii at sa paliparan ng Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The jewelry confiscated from the Marcoses remain a singular manifestation of the misguided priorities of the Marcos presidency during his reign,” pahayag ni commission Chairman Richard Amurao, nitong Biyernes. (AP)