MEMPHIS, Tennessee (AP) — Tinuldukan ni Japanese star Kei Nishikori ang ratsada ni American teen phenom Taylor Fritz, 6-4, 6-4, para makopo ang Memphis Open title sa ikaapat na sunod na taon nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nasaluhan ni Nishikori si tennis legend Jimmy Connors bilang tanging player na nagwagi sa torneo ng apat na beses at ikaapat na aktibong player na may apat na titulo sa iisang event tulad nina Novak Djokovic, Roger Federer at Rafael Nadal.

“I was little bit nervous today ...,” pahayag ni Nishikori. “I tried to get another tactic again to make him work.

And yeah, happy to win today.”

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Sa kabila ng kakapusan sa taas laban sa 6-foot-4 na si Fritz, nagawang madomina ni Nishikori ang laro gamit ang bilis at lakas ng return shot para tuldukan ang pamamayagpag ng teen star.

Kasalukuyang No. 7 sa world ranking, nakopo ni Nishikori ang ika-11 career title sa ATP at maibulsa ang premyong US$109,950. Nanatiling malinis ang karta niya sa The Racquet Club mula noong 2009.

Sa kabila ng kabiguan, naitala ng 18-anyos na si Fritz ang record bilang pinakabatang American mula nang magwagi si Michael Chang sa Wembley noong 1989 sa edad na 17 na umabot sa ATP Tour final sa ikatlong event.