Laro sa Biyernes

(San Juan Arena)

2 n.h. -- NU vs DLSZ

(Finals, Game 1)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umiskor ng apat na puntos si reserve center Jaime Cabarrus sa nalalabing 62 segundo ng laro upang pangunahan ang La Salle-Zobel sa pagpapatalsik sa dating kampeong Ateneo, 75-68, sa stepladder semis at maitakda ang pagtutuos sa National University sa finals ng UAAP juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Pinalamig ng isang keyhole jumper ni Cabarros ang nagbabagang paghabol ng Blue Eaglets matapos itaas ang kalamangan ng Junior Archers, 69-63.

Kasunod nito, dalawa pang free throws ang isinalpak ni Cabarrus,na ipinalit sa nag- fouled out na starter na si MR Romero, na nagbigay sa La Salle-Zobel ng 72-63, may 38 segundo sa laro.

Dahil dito, haharapin ng Junior Archers ang thrice-to-beat at unbeaten Bullpups sa title series na sisimulan sa Biyernes.

“We are facing the defending champions, they have the height and size advantage as well as experience. Nasa kanila lahat,” pahayag ni Junior Archers coach Boris Aldeguer.

“Aljun (Melecio) fouled out, Romero fouled out, but we have guys who are willing to sacrifice everything,” aniya.

Nagtala si Brent Paraiso ng double-double -- 15 puntos at 13 rebounds -- , habang nagdagdag si Melecio ng 14 puntos, 6 rebounds at 4 assists para sa Junior Archers.

Nanguna naman sina Gian Mamuyac at Brian Andrade na may tig-16 puntos para sa Blue Eaglets na naunang tinalo ang Far Eastern University-Diliman, 84-68, sa simula ng step-ladder semfinals.

Iskor:

DLSZ 75 — Paraiso 15, Melecio 14, Fortuna 12, Romero 11, Mariano 6, Sario 5, Cabarrus 5, Sobrevega 3, Tongco 2, Francisco 2, Cosejo 0.

ADMU 68 — Mamuyac 16, Andrade 16, Belangel 15, Mendoza 11, S. Ildefonso 8, Eustaquio 2, Credo 0, Gatmaytan 0, Berjay 0, Rosales 0.

Quarterscores:

15-12; 30-28; 54-42; 75-68. (Marivic Awitan)