Nangako ang baguhang koponan na F2 Logistics na agad magpapakita ng tibay at hindi papabalahibo sa beteranong karibal sa pagsisimula ng 2016 Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa Huwebes sa The Arena sa San Juan.

Ayon kay F2 Logistics Philippines, Inc. president Efren Uy, sisiguraduhin ng Cargo Movers na magiging kompetitibo ito laban sa mga batikang koponan tulad ng Foton, Petron, RC Cola-Army, Cignal at San Jose Builders.

Sasandigan ang Cargo Movers nina dating De La Salle star Cha Cruz, Paneng Mercado at Chie Saet kasama sina Danika Gendrauli, Lilet Mabbayad, Pau Soriano at Libero Len Cortel.

“We want to be very competitive while having fun at the same time,” sabi ni Uy, matapos ihayag na ang mga dating Southeast Asian Games gold medallist na sina Rose Marie Prochina at Nene Ybanez-Chavez ang magsisilbing coach at si Hollie Reyes ang magiging team manager ng pinakabagong ballclub.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“The PSL is a very tough league; all the country’s best players are here. Since we are a new team, we are tempering our expectations. We just want to play competitive volleyball knowing that victories will soon follow. We just have to enjoy the moment and take it one game at a time.”

Aminado si Prochina na hindi magiging madali para sa Cargo Movers ang mag-ipon ng mga panalo lalo pa ngayon na nagpalakas ang ibang koponan tulad ng RC Cola-Army, Petron at Foton.

Ibabalik ng Lady Troopers sina Rachel Anne Daquis mula sa Petron habang ang Tri-Active Spikers ay nakuha ang serbisyo nina Aiza Maizo-Pontillas, Bang Pineda at rookies na sina CJ Rosario at Angel Legacion. (ANGIE OREDO)