Lalong ginanahan si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangangampanya matapos siyang tumabla kay Sen. Francis “Chiz” Escudero sa preferential survey ng vice presidentiables, na isinagawa kamakailan ng Social Weather Station (SWS).

Kapwa nakakuha sina Bongbong at Chiz ng 26 na porsiyento sa SWS survey na isinagawa nitong Pebrero 5-7, at ito ang unang pagkakataon na inabutan ng senador mula sa Ilocos region si Escudero, na itinuturing na consistent front runner sa VP candidates.

Ito ay matapos matapyasan ng dalawang puntos si Chiz mula sa 28 porsiyento nitong Enero, habang tumaas naman ang iskor ni Marcos ng isang puntos mula sa 25 porsiyento.

Bumubuntot naman sa ikatlong puwesto si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, na may 19 porsiyento (mula sa 17%), habang nasa ikaapat na posisyon si Sen. Alan Peter Cayetano, na may 16% (mula sa 14%).

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Umani naman si Sen. Gregorio “Gringo” Honasan ng anim na porsiyento (mula sa 8%), habang nakakuha si Sen. Antonio Trillanes IV ng limang porsiyento (mula sa 3%). (Ellalyn B. de Vera)