Dalawang truck ng illegally-posted campaign materials sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang nakumpiska ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) apat na araw simula nang ipatupad ang “Operation Baklas” nito.

Sa panayam kay Francis Martinez, MMDA Metro Parkway Clearing Group head, sinabi niya na nakakolekta sila ng kabuuang 1.82 tonelada ng illegally-posted campaign materials sa España sa Maynila at Roosevelt, Araneta at Quezon Avenues sa Quezon City, sa unang araw pa lamang ng operasyon noong Pebrero 9.

Ang mga nakumpiska ay ikinarga sa dalawang truck na dinala sa impounding site ng ahensiya sa Ultra sa Pasig City.

Samantala, nilinaw ni Martinez na tinatanggal lamang nila ang campaign posters na nakakabit sa labas ng common poster areas na itinalaga ng Commission on Elections (Comelec). (PNA)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'