SA Angono, Rizal na Art Capital ng Pilipinas, ang kahalagahan ng ika-11 ng Pebrero ay hindi nalilimot sapagkat ipinagdiriwang at ginugunita nito ang kaarawan ng National Artist na si Maestro Lucio D. San Pedro. Ang pamahalaang bayan, sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon, ay may inihanda at mga ginawang aktibidad para sa pagdiriwang ng ika-103 taong kaarawan ni Maestro Lucio D. San Pedro. Ngayong 2016, ang paksa ng parangal kay Maestro San Pedro ay may pamagat na “Gunita ng Musika at Awit”. Ginanap ito sa Lakeshore Park sa Barangay San Vicente.

Itinampok sa pagbibigay-buhay at interpretasyon sa mga komposisyon ni Maestro Lucio San Pedro ang Angono Regional School (ARS) Noveau Chorale, RLSAA (Regional Lead School for the Arts in Angono), Chamber Orchestra, Teatro Kalayaan, at ang Nuno Dance Troupe. Binigyang-buhay ang awit na “Sa Mahal Kong Bayan”, ang awit-panalangin na “Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan”, at ang “Sa Ugoy ng Duyan” na inawit ni Mary Grace Soleil San Pedro, apo ng National Artist. Inawit naman ng ARS Noveau Chorale ang “Kayumangging Malaya” isang makabayang awit ni Maestro Lucio San Pedro.

Naging mga panauhing tagapagsalita sina Rizal Governor Rebecca Nini Ynares at Mayor Gerry Calderon na kinatawan ng kanyang anak na si Rizal board member Gerimae Calderon. Sa mensahe ni Gov. Ynares, sinabi niya na ang kaarawan ni Maestro Lucio San Pedro ay hindi niya maaaring palagpasin. Ako’y isang tunay na Rizaleño at artist na noong 26-anyos pa lamang ay kolektor na ng mga art work. Binati niya ang mga taga-Angono sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining at ng kaarawan ni Maesro Lucio San Pedro. Maipagmamalaki niya ang Rizal na may apat na National Artist na ang dalawa ay nagmula sa maliit na bayan ng Angono. Pinasalamatan din ni Gov. Ynares ang mga namuno noon sa Angono hanggang kay Mayor Gerry Calderon na puspusan ang pagsisikap na lalo pang mapaunlad ang Angono.

Ayon pa kay Gov. Ynares, noong panahong nakaburol ang National Artist na si Maestro Lucio San Pedro, ipinahayag ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na gagawin niyang Art Capital ng Pilipinas ang bayan ng Angono.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Karapat-dapat naman, ayon kay Gov. Ynares sapagkat ang 1/4 (one fourth) ng mga artist sa bansa ay nagmula sa Angono.

(CLEMEN BAUTISTA)