ISANG pambihirang neurological disorder ang napapaulat ngayon sa ilang bansa sa Latin America na apektado rin ng epidemya ng Zika virus, ayon sa World Health Organization.
Sa lingguhan nitong ulat, sinabi ng healthy body ng United Nations sa Geneva na ang Guillain-Barre syndrome (GBS), na nagdudulot ng pansamantalang pagkaparalisa, ay napaulat sa Brazil, Colombia, El Salvador, Suriname, at Venezuela.
Napaulat ang pagdami ng kaso ng Guillain-Barre kasabay ng pagkalat ng Zika virus sa 34 na bansa at sa dumadaming kaso ng microcephaly, isang pambihirang kondisyon na ang mga sanggol ay isinisilang na may maliit na ulo.
Gayunman, inihayag ng health agency na “the cause of the increase in GBS incidence... remains unknown, especially as dengue, chikungunya and Zika virus have all been circulating simultaneously in the Americas.”
Bagamat “no scientific evidence to date confirms a link between Zika virus and microcephaly or GBS”, binigyang-diin ng WHO na natukoy din ang GBS sa kasagsagan ng epidemya ng Zika virus noong 2013 hanggang 2014 sa French Polynesia.
Sa Brazil, na pinakamatinding naaapektuhan ng kasalukuyang Zika outbreak, nag-ulat noong Hulyo ang estado ng Bahia ng 42 kaso ng GBS, 26 sa mga ito ay sa mga pasyenteng dumanas na ng mga sintomas ng katulad ng sa nahawahan ng Zika virus. Noong Nobyembre, pitong pasyente sa Brazil na may mga sintomas ng GBS ang nakumpirma, batay sa mga resulta ng laboratory test, na nagtataglay ng Zika virus, iniulat ng WHO.
“In 2015, a 19 percent increase in GBS cases was reported in comparison to the previous year” sa estado ng Bahia, ayon sa WHO.
Ayon sa U.S. Centers of Disease Control and Preventions, kabilang sa mga sintomas ng GBS ang panlalambot ng mga kalamnan at minsan ay pagkaparalisa. Sa mga seryosong kaso, ang panlalambot ng kalamnan ay maaaring makaapekto sa paghinga at mangangailangan pa ang mga pasyente ng tubo para mapadali ang paghinga.
Ang Zika virus ay ikinakalat ng mga lamok at ang kasalukuyang epidemya ay nakaaapekto na sa 34 na bansa, kabilang ang 26 na bansa sa America, ayon sa WHO said. Tinataya ng mga awtoridad sa Brazil na nasa hanggang 1.5 milyon ang naitalang kaso ng Zika virus infection simula nang magsimula ang epidemya, ayon sa WHO. - Associated Press