Mel Tiangco

Ni NORA CALDERON

NAKASABAY namin sa elevator sa GMA Network Center si Ms. Mel Tiangco para sa launch ng all-star charity album na One Heart ng GMA Records. Biro niya, hindi naman siya marunong kumanta pero a-attend siya ng album launch.

Special guest sa event si Tita Mel dahil ang part ng proceeds sa sales ng album ay ido-donate sa pinamumunuan niyang GMA Kapuso Foundation.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Maraming-maraming salamat sa inyo, sa GMA Records at sa lahat ng GMA Artist Center talents na nagbigay ng kanilang libreng oras sa pagbuo ng album na ito,” sabi ni Tita Mel nang magsalita sa event. “Salamat dahil ang donasyon ninyong ito ang gagamitin naman namin para tulungan ang mga maysakit na araw-araw ay pumupunta sa aming opisina para humingi ng tulong. Salamat sa inyong mga ginintuang puso.”

Nagparinig ng ilang cuts mula sa album sina Nar Cabico at Betong Sumaya na nag-host din ng presscon, at sina Kai Atienza at Hannah Prescillas. Pagkatapos ay kinanta na ang carrier single na Sa Puso Mo, inspirational ballad song written and arranged by Korean composer Kim Hyun Jik na kinanta ng mga Kapuso best performers na sina Glaiza de Castro, Yasmien Kurdi, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Kylie Padilla, Ruru Madrid, Julian Trono, Betong Sumaya, Gabbi Garcia, Maricris Garcia, Rita Daniel, James Wright, Nar Cabico, Kai Atienza, Hannah Precillas, Kath Castillo, Ralf King, Lindsay de Vera at Denise Barbacena.

Ang iba pang tracks ng album ay Tonight, Sumigaw, Igalaw, Kapit Lang, Fee, Para Lang Sa ‘Yo, Wait A Minute, Panahon, You Are Never Alone, Love You The Way I Do at Broken.

Ang One Heart ay nagkaroon na ng pre-selling ng digital album sa iTunes noong February 7.