Zach Lavine
Zach Lavine (AP photo)

TORONTO (AP) -- Naungusan ni Minnesota Timberwolves guard Zach LaVine si Aaron Gordon ng Orlando Magic sa epikong duwelo nitong Sabado (Linggo sa Manila) para maidepensa ang Slam Dunk title ng NBA All-Star weekend.

Dumadagundong ang Air Canada Center sa hiyawan ng mga tagahanga at kapwa player sa bawat dunk na gawin ng dalawang magkaribal na kapwa umiskor ng perfect 50 sa unang tatlong dunk sa finals.

Sa huling tie-breaker, nakaiskor lamang si Gordon ng 47 sa kanyang performance na halintulad sa istilong jackknife dunk ng dating kampeon na si Harold Miner.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bunsod nito, nakakuha ng pagkakataon si LaVine na tapusin ang hindi malilimot na duwelo sa torneo. Mula sa halfcourt, niratsada ni LaVine ang haba ng court at sa pagtalon mula sa free throw line, gumawa ito ng perpektong ‘bestween-the-legs dunk’ para sa kampeonato.

“I had to bring my A-plus-plus-plus game,” pahayag ni LaVine.

Sa Skills Challenge, pinatunayan ni Karl-Anthony Towns na hindi lang lakas kundi bilis ang talento ng mga bagong ‘big men’ sa liga.

Tinalo ng Minnesota Timberwolves rookie center ang 6-foot-1 point guard na Isaiah Thomas ng Boston Celtics.

Bago ang final match, tinalo ni Towns ang kapwa power forward na sina Golden State’s Draymond Green at Sacramento’s DeMarcus Cousins.

“I’m glad I was able to help the bigs come out with this trophy,” sambit ni Towns, No. 1 overall pick sa nakalipas na June draft. “This is bigger than me. This is for all the bigs out there, with the game changing the way it is, to show that bigs can stand up with guards and skillwise.”