Ni Angie Oredo

Nagsilbing inspirasyon sina world boxing champion Nonito Donaire Jr., Donnie “Ahas” Nietes at golf phenom Juan Miguel Tabuena ng kapwa atleta para sa kanilang paghahangad na magtagumpay at maging world-class.

“I want to inspire other athletes more than how our athletes inspires me more despite my ups and downs,” sambit ni Donaire habang nagbiro na sobra ang kanyang nerbiyos sa pagtanggap ng karangalan bilang isa sa Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa One Esplanade Sabado ng gabi.

“My hands are shaking,” sabi ni Donaire habang binabasa ang kanyang mensahe. “I was not this kind when I am inside the ring, but these award has make me much nervous,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hinamon niya ang mga kapwa atleta na ipagpatuloy ang kanilang sakripsisyo para sa bayan at makilala ang atletang Pinoy sa international sports.

Nangako naman si Tabuena na ipagpapatuloy ang pagpapamalas ng kahusayan upang mas lalo pang mabigyan ng karangalan ang bansa at makamit ang hinahangad na makalaro sa Rio Olympics sa Agosto.

“It (award) means a lot to me because it shows me more how to strive and give my best effort in all tournaments I played. I hope I could give more of my talent and passion for the country as I aim for the Rio Olympics,” sabi ni Tabuena.

Ipinagpasalamat naman ni Nietes ang pagkilala sa kanilang nagawang kontribusyon para sa Pilipinas kung saan nakapagbibigay ito ng dagdag na lakas at kumpiyansa sa kanyang paglaban sa loob at labas ng bansa dahil nakikita ang kanyang pagnanais na magtagumpay para sa bayan.