Ikinalungkot ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagpanaw ng nagtatag ng grupo na si Lauro Vizconde, matapos itong atakehin sa puso sa ikaapat na beses.

Dakong 5:15 ng hapon nitong Sabado nang bawian ng buhay ang 77-anyos na si Vizconde sa intensive care unit (ICU) ng Unihealth Parañaque Hospital and Medical Center sa Sucat.

Bukod sa sakit sa puso, mayroon ding diabetes at pulmonary complications si Vizconde, ayon sa kanyang pamangkin na si Rodel Vizconde.

Noong Martes, dinala sa nasabing pagamutan si Ka Lauro matapos makaramdam ng paninikip ng dibdib at pagkahilo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nabatid na itinayo ni Vizconde ang VACC matapos brutal na pinatay ang kanyang asawang si Estrelita at dalawang anak na babae na sina Carmela at Jennifer, sa loob ng kanilang bahay sa Parañaque noong 1991.

Nakalagak ang labi ni Vizconde sa Heritage Park sa Taguig City at wala pang petsa ang libing. - Bella Gamotea