Dalawampu’t isang indibiduwal, kabilang ang dalawang pinaghihinalaang leader ng gun-for-hire syndicate, isang police trainee, at isang sundalo, ang naaresto makaraang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Capital Regional Police Office (NCRPO), at Highway Patrol Group (HPG) ang hideout ng grupo sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Pasado 2:00 ng umaga nang salakayin ng awtoridad ang pitong bahay na ginagamit umanong kuta ng mga kriminal sa Barangay Pinagsama.

Naaresto sa raid sina Jose Cabeza at Wilson Polo, umano’y mga leader ng gun-for-hire syndicate; Noel Ismael, suspek sa pagpaslang kay Cagayan RTC Judge Andres Cipriano noong Mayo 2010; Eugene Arreglado, police trainee; Pfc. Philip Abad, ng 51st Army Engineering Brigade; Ranil Ulojan; Jack Anthony de Guzman; Florante Jose Hall; Benedicto Hall; Jeffrey Amor; at isang Richard Santiago, na napaulat na nasugatan makaraang pumalag sa pag-aresto.

Sa gitna ng operasyon, nakakumpiska ang mga pulis ng limang baril, tatlong M203 grenade, tatlong granada, mga bala at magazines ng baril, at halos 100 gramo ng shabu, at drug paraphernalia.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Bukod sa kasong kinakaharap ng mga suspek, sasampahan din ang mga ito ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at illegal possession of firearms sa Taguig Prosecutor’s Office. - Bella Gamotea