Sentro ngayon ng atensiyon ang 2016 UFCC cock season sa Pasay Cockpit Arena para sa ika-4 na leg ng torneo sa pangunguna ni reigning World Slasher Cup champion na si Engr. Sonny Lagon at Dong Ching (D Pakners) na kapwa may 12 puntos.

Pumapangalawa naman sa kampanya para sa 2016 UFCC Cocker of the Year si Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roposterville) na may 11 puntos. Sinusundan ito nina Joey delos Santos (San Roque) at Gerry Ramos (AAO Striker) na dating kampeon sa World Slasher Cup, parehong may 10.5 puntos.

Kalahok din ang mga bituin ng sabong na sina Alex Ty ng Isabela, Allan Syiaco, Andy Ong (Adza Gamefarm), Anthony Lim, Arman Santos, Art Atayde & Teng Ranola, Atong Ang, Atty. Abella & Fiscal Villanueva, Atty. Astorga, Nad Mendoza, Baham Mitra, Gov. Claude Bautista, Bebot Roxas, Cong. Panganiban, Cong. Unabia, Dong Chung, Danny Soriano & Magno Lim, Dorie Du, Nelson Uy, Eddei Boy Villanueva, Eddie Gonzales, Engr. Celso Salazar, Eric dela Rosa, Gerry Ramos, Gerry Teves, , Homer, Joey delos Santos, Ka Luding Boongaling, Cong. Patrick Antonio, Ramon Atayde, Rey Briones, Ricky Magtuto, RJ Mea, Nestor Vendivil, Engr. Sonny Lagon, Engr. Tony Marfori, Edwin Tose, at Pleasant Group.

Kilala bilang pinakasikat na pangkat ng mga sabungero sa bansa, ang Ultimate Fighting Cock Championships (UFCC), ay itinatag ni Charlie “Atong” Ang, Ramos, at Lagon, tatlong taon na ang nakakaraan. Naghahatid ito ng pinakamahuhusay na “cockfighting entertainment” sa industriya.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Sa paanyaya ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang labanang ito ay hatid ng Sagupaan, Resorts World – Manila, Solaire Resorts & Casino at Thunderbird Platinum.