LOS ANGELES (AP) — Inamin ng stalker ni Gwyneth Paltrow na patuloy siyang sumusulat sa aktres dahil nais niyang hingin ang kapatawaran nito kaugnay sa pagpapadala ng mahahalay na mensahe 17 taon na ang nakalilipas.

Isa si Dante Soiu sa final witnesses sa kanyang four-day trial na nakatuon sa packages at mga liham — ang ilan ay naglalaman ng hangarin niyang pakasalan si Paltrow — na ipinadala noong 2014 at 2015.

Ipinahayag ni Soiu, 66, na wala siyang hangaring takutin o saktan si Gwyneth.

“I have no desire to hurt her feelings,”ani Soiu said. “I have no desire to harass her.”

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Gayunman, hinihikayat ng prosecutor ang jurors na huwag paniwalaan ang pahayag ni Soiu at sa halip ay ituring itong baliw na stalker na hindi hihinto sa pangha-harass kay Paltrow.

“It’s a compulsion and an obsession to insert himself into her life,” pahayag ni Deputy District Attorney Wendy Segall sa closing arguments.

“He gets to spend hours in a room with the object of his desire,” dagdag ni Segall. “This is not a stupid man. This is actually a highly intelligent man.”

Sinabi naman si Soiu na malungkot siya at nais magkaroon ng kausap kaya patuloy siyang nagpapadala ng liham sa Oscar winner sa kabila ng mga nagdaang kaso na may kaugnayan sa aktres.

Ayon sa prosecutors, nagpadala si Soiu ng 66 na mensahe kay Paltrow sa simula 2009 hanggang 2015 bago siya naaresto.

Nagpahayag ng salaysay ang aktres nitong Lunes na tinatakot siya ni Soiu.

Ayon naman kay Soiu nitong Miyerkules, sumulat siya sa iba’t ibang artista, kabilang na sina President Barack Obama, Angelina Jolie at Vladmir Putin, ngunit si Paltrow lamang umano ang nais niyang pakasalan.

Sinubukan niyang gumawa ng paraan para masilayan si Gwyneth noong 1999 at 2000 matapos siyang magpadala ng mahahalay na mensahe at sex toys.

Si Paltrow, 43, ay nanalo ng Oscar noong1999 para sa pagganap sa Shakespeare in Love. Siya ay may dalawang anak sa kanyang dating asawa na si Chris Martin, front man ng bandang Coldplay.