Mga laro ngayon

(Araneta Coliseum)

3 n.h. -- Blackwater vs. Mahindra

5:15 n.h. -- Globalport vs. Barangay Ginebra

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Target ng Mahindra na masundan ang buena-manong panalo sa pakikipagtuos sa Blackwater, habang tampok sa double-header ang duwelo ng Barangay Ginebra at Globalport sa pagpapatuloy ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup elimination ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Haharapin ng Mahindra ganap na alas-3:00 ng hapon ang Elite tangan ang momentum na nakamit nang silatin ang Globalport Batang Pier sa kanilang unang laro nitong Biyernes, 111-98.

Ayon kay interim coach Chito Victolero, may nais patunayan ang Mahindra at inaasahan niyang mananatili ang ngitngit sa puso ng mga ito para mas maging determinado sa laban.

“We worked on our consistency. Last conference we kept fighting but we couldn’t finish. We worked on little things in practice, those little things helped us,” sambit ni Victolero.

“Maganda sa amin ngayon, everybody stepped up, everybody wants to prove something.Last conference yun ang problema namin, consistency. I want to give emphasis on that… being consistent in everything,” aniya.

Magkukumahog naman na makabawi ang Elite sa kabiguang natamo sa Talk ‘N Text noong Miyerkules, 102-88.

Sa tampok na laban, unahan namang makabangon mula sa kabiguan sa opening day ang Batang Pier at ang crowd favorite Barangay Ginebra Kings.

Gaya ng Batang Pier ay natalo rin ang Kings sa NLEX noong nakaraang Biyernes sa larong umabot sa overtime, 112-114.

Labis umano ang pagkadismaya ni coach Tim Cone sa kanyang team na hindi kinakitaan ng sapat na disiplina sa laban partikular na sa kanilang depensa. (MARIVIC AWITAN)