SI MEL kasama ang GMAAC talents copy

KAHIT busy, dumalo si Ms. Mel Tiangco sa launching ng One Heart album ng GMA Records at JUE Entertainment ng Korea.

Ang Kapuso Foundation kasi ang beneficiary sa sales ng charity album at ipinagpasalamat ito ni Ms. Mel.

“Thank you, GMA Network, GMA Records and GMA Artist Center. I guarantee you, may blessings na balik sa inyo ito dahil mapupunta sa project na makakatulong ang inyong ginawa at sa talagang nangangailangan ng tulong. This is a project for the sick people. Hindi mabenta sa sponsor ang paghingi ng tulong for the sick, doon ilalagay sa pondo ang kikitain ng album na ito,” pahayag ni Ms. Mel.

BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

For $129 per song, makakapag-download ng songs sa album sa iTunes at ang physical album naman ay magiging available starting today, February 14.

Ang Sa Puso Mo, carrier single ng album na kinanta ng GMAAC talents, ay composition ng Korean composer na si Kim Hyun Jik at isinalin sa Tagalog.

Featured sa One Heart album sina Glaiza de Castro, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Kylie Padilla, Ruru Madrid, Julian Trono, Betong Sumaya, Gabbi Garcia, Maricris Garcia, Rita Daniela, James Wright, Nar Cabico, Kai Atienza, Hannah Prescillas, Kath Castillo, Ralf King, Lindsay de Vera, Denise Barbacena at Yasmien Kurdi.

May solo song ang iba sa kanila, may duet din na magugustuhan ng kani-kanyang fans. Sana nga totohanin ng GMA Records na magkaroon ng mall tour para sa promo ng One Heart album para marinig ang songs na kasama rito at marinig at makilala pa ang GMAAC talents. (NITZ MIRALLES)