Iniutos ng Office of the Ombudsman (Ombudsman) na tanggalin sa serbisyo si Officer-in-Charge-Treasurer Edgar Villanueva matapos mapatunayang nagkasala ito ng pang-aapi.

Ang pagkakasibak kay Villanueva ay bunsod ng imbestigasyon sa pagpapataw at assessment ng mga real property tax laban sa Manila Seedling Bank Foundation, Inc. (MSBFI) noong 2011.

Bukod sa pagkakatanggal sa serbisyo, habambuhay na ring hindi maaaring humawak ng puwesto sa gobyerno si Villanueva, kinansela ang kanyang eligibility at hindi matatanggap ang mga benepisyo sa pagreretiro.

Sa kaso ng pagkakahiwalay sa serbisyo, ang parusa ay mapapalitan ng multang katumbas ng isang taon niyang suweldo.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Noong Mayo 2011, naglabas si Villanueva ng Statement of Delinquency laban sa MSBFI kaugnay sa hindi nabayarang utang sa real property tax na may kabuuang P42.8 million.

Makalipas ang isang buwan noong Hunyo 2011, inilabas ang Final Notice of Delinquency and Warrant of Levy.

Noong Hulyo 2012, inutusan ang MSBFI na kaagad lisanin ang lugar.

Ikinandado ng mga opisyal ng Quezon City ang bakuran at pinutuan ng MSBFI.

Nakasaad sa reklamo ng MSBFI na ang propyedad ay pag-aari ng National Housing Authority (NHA) at wala itong natanggap na Notice of Assessment para sa tax liability.

Sa desisyon nito noong Biyernes, sinabi ng Ombudsman na “in enforcing collection of taxes against MSBFI without the required notice of assessment, Villanueva denied MSBFI its right to due process, which consists [of] the opportunity to avail of the remedy provided under the [Local Government Code].

“Absent such prior notice of assessment, the Warrant of Levy issued to MSBFI and the succeeding auction sale conducted by the City Treasurer had no legal mooring,” saad pa sa desisyon ng Ombudsman. (PNA)