Magbabalik sa track oval ang mga atleta mula sa 10 eskuwelahan sa pagbubukas ng NCAA Track and Field sa Pebrero 25 sa Philsports Arena.

May kabuuang 20 events ang nakataya sa tatlong araw na paligsahan sa pangunguna ng defending champion Jose Rizal University na pinangangasiwaan ni national coach Jojo Posadas.

“We will do our best because our ultimate goal is to keep the title,” sambit ni Posadas, na nagbabalik din sa National Team.

Muling kinuha ng Philippine Track and Field Association (PATAFA) sa pamumuno ni dating PSC Chairman Philip E. Juico ang serbisyo ni Posadas para hubugin at palakasin ang national athletes na sasabak sa iba’t ibang torneo sa abroad.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Muling patutunayan ni Posadas ang kanyang galing bilang chief tactician ng JRU. Kinuha ang serbisyo ni Posadas at hindi nagkamali ang pamunuan ng JRU nang mapagkampeon ito ng beteranong coach mula sa General Santos City.

Si Posadas ay coach din ng University of the East track and field team kasama ang maybahay na si track legend Elma Muros-Posadas.

Ayon kay Jose Mari Lacson ng host San Beda, tiyak na maraming bagong talento ang lulutang dahil lahat na mga koponan ay nagpalakas ng kanilang recruitment programs.