Mahigit 20 pasahero ang nasagip matapos sagasaan ng ferry ship ng 2GO Travel ang isang bangkang pangisda sa karagatan ng Romblon, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nasagip ang mahigit 20 pasahero ng lumubog na bangkang de-motor maliban sa isa na nawawala at pinaghahanap pa rin ng mga search and rescue unit.

Ang mga pasahero ay nasagip ng F/B Gian May na dumaraan sa lugar nang mangyari ang insidente, ayon kay Rear Admiral William Melad, commandant ng PCG.

Aniya, ang mga nasagip ay lulan ng F/B Deca na sinalpok ng isang barko ng 2GO habang nangingisda ang mga biktima sa karagatan ng Barangay Espana sa San Fernando, Romblon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa resulta ng inisyal na imbestigasyon, malakas ang alon nang masagasaan ng 2GO ferry ang F/B Deca dakong 4:45 ng umaga.

Nang matanggap ang ulat sa insidente, agad na ipinadala ang mga search and rescue team mula sa PCG substation sa Cajidiocan at Magdiwang.

“Coast Guard Station Romblon made contact with F/B Deca and they were rescued by F/B Gian May,” base sa ulat na natanggap ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo. (Raymund F. Antonio)