Dadayo sa bansa ang mahigit 500 taekwondo jin mula sa 40 bansa para makipag-agawan sa nalalabing upuan sa 2016 Rio Olympics.

Target ng Team Philippines na makasikwat ng dalawa hanggang apat na Olympic slots sa kanilang pagsagupa sa Asian Taekwondo Olympic Qualification sa Abril 16-19 sa Marriot Convention Center Grand Ballroom sa New Port Complex, Pasay City.

Ikinagalak ng pamunuan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang pagkakataong ibinigay ng World Taekwondo Federation para magsilbing host sa naturang torneo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We’re proud to be chosen by the World Taekwondo Federation (WFT) to host this event,” sabi ni Organizing Committee Chairman Sung Chon Hong.

Inaasahang masasabak sa matinding laban ang mga Pinoy jins sa Asian meet kaya inimbitahan ng PTA ang powerhouse Korean National Sports University (KNSU) team upang makasama ng Pambansang koponan sa pagsasanay sa Maynila.

Kilala ang KNSU bilang premyadong Korean taekwondo school na nakapaglikha ng Olympic at world champion.

(ANGIE OREDO)