einstein theory [afp] copy

JERUSALEM (AFP)–Inabot man ng isang siglo, napatunayan din sa wakas ang teorya ni Albert Einstein.

Ipinakita ng mga opisyal ng Israel nitong Huwebes ang mga dokumento kung saan iprinisinta ni Einstein ang kanyang mga ideya sa gravitational waves, kasabay ng paghahayag na nasilip ng mga scientist ang unang direktang ebidensiya ng teoryang ito.

“Einstein devised this with pen and paper, but it took humanity 100 years to develop the tools to catch a glimpse of it,” sabi ni Roni Grosz, curator ng Albert Einstein Archives sa Hebrew University ng Jerusalem, habang itinuturo ang dalawang pahina.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang isa ay ang unang dokumento na idinetalye ni Einstein ang kanyang theory of gravitational waves, habang ang isa ay isang sipi mula sa 46-pahinang theory of relativity, na isinulat noong 1916 at 1915, ayon sa pagkakasunod.

Isinulat ang mga ito sa wikang German.

Sa isang makasaysayang tuklas para sa physics at astronomy, inanunsiyo ng international scientists sa Washington nitong Huwebes na nasilip nila ang unang direktang ebidensiya ng gravitational waves, o ripples in space-time.

Nakasaad sa teorya ni Einstein na dinidigma ng “mass” ang “space and time”, gaya ng paglagay ng bowling ball sa trampoline.

Mahuhulog ang ibang mga bagay sa surface patungo sa gitna – isang metaphor para sa gravity kung saan ang trampoline ay ang “space-time.”

Ang gravitational waves ay hindi nakikipag-ugnayan sa “matter” at lumalakbay sa kalawakan nang walang sagabal.

Ito ang pundasyon ng theory of gravity ni Einstein, ngunit hindi napatunayan.

“(The discovery) is a very moving moment,” sabi ni Grosz. “A smile from heaven after exactly 100 years.”