Tuloy ang pagdalo ni Pangulong Benigno Aquino III sa ASEAN-US summit sa Sunnyland, California.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Helle Dela Vega, ang pulong ay ipinanukala ni Unites States President Barack Obama matapos ang ASEAN Summit noong Nobyembre 2015.
Lilipad si Pangulong Aquino sa US sa Pebrero 15, sa layuning iaakyat sa ‘partner level’ ang ASEAN-US dialogue.
Sinabi ni Asec. Dela Vega na tatagal ng dalawang araw ang pagpupulong na gagawing “retreat o informal at open” na pwedeng magpanukala ng anumang isyu ang mga lider.
Sa kabuuan, tututok ang summit sa mga usaping may kaugnayan sa ekonomiya at pulitika tulad ng maritime security at transnational issues tulad ng extremism. (Beth Camia)