Mga laro ngayon
(Philsports Arena)
3 n.h. -- Meralco vs. Talk ‘N Text
5:15 n.h. -- Rain or Shine vs. Star
Maagang pamumuno ang nakataya sa paghaharap ng magkapatid na koponang Meralco at Talk ‘N Text sa unang laro ng nakatakdang double header sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2016 PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.
Kapwa nagwagi ang Bolts at ang Tropang Texters sa kani-kanilang nakatunggali sa opening day sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules. Ginapi ng Star Hotshots ang Meralco, 90-86, habang nakalusot ang Texter kahit walang import laban sa Blackwater Elite,108-102.
Sa pagkakataong ito, lalaro na ang import ng TNT na si Ivan Johnson matapos magmintis bunsod ng suspensiyon na ipinataw sa kanya ni PBA Commissioner Chito Narvasa dahil sa pananapak sa Blackwater player sa isang tune-up game.
Gayunman, pangunahing inaalala ni TNT coach Jong Uichico ang pagbabago sa rules ng liga.”We have to adjust how to defend better, still may times na medyo nangangapa kami.
“It’s too much we cannot even touch. We just have to make our proper adjustments. Ganun ang rule e!, I’am not complaining against the rules,” aniya.
Para naman sa panig ng Bolts, tiyak na mapapalaban nang husto ang masipag nilang import na si Arinze Onuaku sa temperamental import ng Tropang Texters.
Halos walang ensayo si Onuaku na dumating lamang nitong madaling araw ng Miyerkules, ngunit ratsada na ito sa naitumpok na 25 puntos, 22 rebounds at 3 assist sa Bolts.
“He showed leadership for us, covered a lot of our weaknesses as far as rebounding and interior defense and he made the big shot down the stretch to win the game,” ani Bolts coach Norman Black patungkol sa kanilang import.
Samantala sa tampok na laro, tatangkain naman ng Hotshots na makabawi sa nasabing kabiguan sa kamay ng Bolts sa pagsabak kontra sa Rain or Shine.
Tiyak na mainit na salpukan ang mamamagitan sa dalawang koponan partikular sa kanilang dalawang imports na sina reigning Best Import Wayne Chism at dating Best Import na si Deznel Bowles ng Hotshots. (MARIVIC AWITAN)