Opisyal nang pinalitan ng kanyang partido ang pumanaw na presidential aspirant na si OFW Family Party-list Rep. Roy Señeres para magkaroon ng bagong kandidato sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Mayo 9.

Umapela nitong Miyerkules sa Commission on Election (Comelec) ang pamunuan ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka-Workers and Peasants Party (PMM-WPP) upang kilalanin si Atty. Apolonia “Polly” Comia-Soguilon bilang bagong pambato sa pagkapresidente ng partido.

“Petitioner prays that its substitute candidate, Atty. Apolonia ‘Polly’ Comia-Soguilon, be admitted and be inclined in the official ballots to be printed by the Honorable Commissioner for the 2016 National and Local Elections,” saad sa manifesto ng PMM-WPP.

Noong isang taon, nagsumite rin si Soguilon ng certificate of candidacy (CoC) sa pagkapangulo sa ilalim ng hindi kilalang Philippine Green Republican Party (PGRP), ngunit idineklara siya ng Comelec bilang nuisance candidate.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaugnay nito, nanawagan ang PMM-WPP sa Comelec na tanggihan ang petisyon ni Atty. Candelaria Rivas, abogado ni Señeres, na alisin ang pangalan ng huli sa balotang gagamitin sa Mayo 9.

Binigyang diin ng PMM-WPP na walang karapatan si Rivas na magdesisyon para sa partido.

Matatandaang pinangunahan ni Rivas nitong Pebrero 5 ang pagbawi sa kandidatura ni Señeres, na pumanaw naman makalipas ang tatlong araw. (Samuel Medenilla)