TORONTO (AP) — Kabilang sina Shaquille O’Neal, Yao Ming at Allen Iverson sa posibleng mailuklok sa Naismith Memorial Basketball Hall-of-Fame ngayong taon.

Kakailanganin nina O’Neal at Iverson na makasama sa ‘finalist’ sa listahang ihahayag sa Biyernes (Sabado sa Manila), sa isasagawang press conference kasabay ng NBA’s All-Star weekend.

Sakaling mapabilang, kailangan nilang makakuha ng 18 boto mula sa 24-member Honors Committee, gayundin sa North American at Women’s Committee.

Sa tatlo, si Yao ang halos sigurado nang makalulusot matapos siyang ayudahan ng Hall’s International Committee, hindi dahil sa kanyang record sa paglalaro kundi sa nalikha niyang impluwensiya para sa pag-unlad ng basketball sa China, gayundin sa karatig na bansa sa Asya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang naturang committee ay may kapangyarihan na magluklok ng player sa Hall nang direkta.

Ipakikilala ang Class 2016 sa Abril 4 sa Houston sa araw ng kampeonato ng NCAA, habang nakatakda ang ‘enshrinement ceremony’ sa Sept. 9 sa Springfield, Massachusetts.

Nakakuha ng pagkakataon sina O’Neal, Yao, at Iverson na mapasama sa Hall matapos baguhin ang regulasyon sa ‘eligibility’ kung saan ibinaba sa apat mula sa limang taon ang tagal ng kanilan pagreretiro sa panahon na sila’y mainomina.