Umapela ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na ikonsidera ang campaign venue o mga lugar na pagdarausan ng kampanya upang maiwasan ang banggaan ng mga partido.

Sinabi ni NCRPO Chief Director Joel D. Pagdilao, dapat kontrolado ng mga kandidato ang mga aktibidad ng kanilang mga tagasuporta at payuhan ang mga ito na sumunod sa mga patakaran sa kampanya ng Commission on Elections (Comelec).

Iginiit ni Pagdilao na makakamit lamang ang maayos at payapang halalan sa tulong ng mga pulitiko at botante.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“The police force appeals to our candidates and their allies to remain calm during the campaign period and avoid doing things that can provoke arguments and misunderstandings,” wika ni Pagdilao.

Tiniyak ng opisyal na ligtas at babantayan ng mga awtoridad ang lahat ng lugar na pagdarausan ng kampanya alinsunod ng kanyang direktiba sa lahat ng district director at station commander na paigtingin at ikasa ang dobleng checkpoint operations sa pagpapatupad ng gun ban. (Bella Gamotea)