baseball copy

Pinoy batters, nabugbog sa Australia.

SYDNEY (AP) – Natamo ng Team Philippines ang masaklap na 1-11 kabiguan sa pinaigsing “mercy rule” sa loob ng pitong innings kontra sa host Australia nitong Huwebes sa World Baseball Classic Qualifier sa Blacktown International Sportspark.

Kumana ang Aussie ng kabuuang 11 hits, tampok ang 7 run sa kalagitnaan ng ika-pitong inning, na kinasiyahan ng dalawang throwing error ng ‘Pinas para masungkit ang panalo.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Batay sa tournament mercy rule, kaagad na tinatapos ang laro sa pagkakataon na umabante ang isang koponan ng 15 run sa loob ng limang inning o 10 run sa loob ng pitong inning.

Nauna rito, pinangunahan nina Seattle Mariners prospect Dylan Unsworth at hitter Brett Willemburg ang South Africa sa 7-1 panalo kontra New Zealand.

Bunsod nito, naisaayos ang duwelo ng Philippines at New Zealand Biyernes ng gabi, habang magtutuos ang South Africa at Australia.

Ang magwawagi sa four-team tournament ay mabibigyan ng pagkakataon na makasama sa gaganaping World Baseball Classic sa 2017 kung saan naghihintay na ang mga nakapasang Canada, China, Cuba, Dominican Republic, Italy, Japan, the Netherlands, Puerto Rico, South Korea, Taiwan, United States at Venezuela.

Ang Dominican Republic ang nagwagi noong 2013 matapos gapiin ang Puerto Rico, 3-0, sa San Francisco.

Pinangunahan ni Twins Minor Leaguer James Beresford ang Australia sa natipang 4-for-5 tampok ang tatlong RBIs.

“He’s a great player,” sambit ni Australia manager Jon Deeble. “He’s been in professional baseball for 11 years. He hit .300 in Triple-A. We just want him to get a chance in the big leagues because he is such a bloody good player. Hopefully, that is this year.”