Sinabi ng Department of Justice (DoJ) na nirerespeto nila ang paghihigpit ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa kustodiya ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Unang iginiit ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) na sa Quezon City Jail Annex sa Bicutan, Taguig City ikulong si Marcelino.

Ayon kay Acting Justice Secretary Emmanuel Caparas, batay sa kasunduan ng PDEA at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sa naturang kulungan talaga dapat idiretso ang mga nahuhuling suspek sa droga.

Ipinag-utos na rin ni Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na agad magsagawa ng preliminary investigation kaugnay sa mga kasong kinakaharap ni Marcelino. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony