LEGAZPI CITY - Tatalakayin sa 4th World Congress on Biosphere Reserve (4WCBR) ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang nominasyon para maging World Heritage Site ang Albay, at gaganapin ito sa Lima, Peru, sa Marso 14-18, 2016.

Bilang isang Biosphere Reserve, nominado and Albay sa UNESCO noong 2014 para maging World Heritage Site, kasama ang Mayon Volcano National Park (MVNP) sa ilalim ng Man and Biosphere (MAB), programme at iba pang protected areas sa lalawigan.

Pansamantalang kabilang na ang Mayon sa listahan ng UNESCO World Heritage Site.

Naniniwala si Albay Gov. Joey Salceda na seryosong pag-aaralan ng UNESCO ang nominasyon ng kanyang lalawigan, dahil matibay ang pagpapahalaga ng probinsiya sa “eco-system and biodiversity conservation” at “sustainable development” na suportado pa ng “scientific and institutionalized programs”.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Apat na lugar sa Albay ang itinalaga ng National Historical Commission bilang “national cultural properties”: ang 201-anyos na Cagsawa Ruins, na National Cultural Treasure, at ang Nuestra Señora de Porteria Church, parehong nasa Daraga; ang Tabaco City Church; at ang Pighulugan Cave sa Misibis, Bacacay, na kinaroroonan ng mga labi ng sibilisasyon na may 1,000 taon na ang tanda.

Kung makukumpirma bilang UNESCO-MAB Biosphere Reserve, tatanggap ng ibayong proteksiyon ang kalikasan ng probinsiya.