Para mas mapatibay ang kahandaan ng Pinoy wrestler sa kanilang pagsabak sa Olympic qualifying, nakatakdang sumabak ang Philippine Team sa Asian Wrestling Championship sa Bangkok, Thailand sa Pebrero 15-21.

Ayon kay Wrestling Association of the Philippines (WAP) secretary-general Marcus Valda, ang torneo ang gagamitin ng koponan para maihanda ang kanilang kumpiyansa sa Asian Olympic Qualifying Championship sa Marso 17-21 sa Astana, Kazakhstan.

Binubuo ang delegasyon nina Alvin Lobrequito sa 55kg, Jhonny Morte sa 63kg, Francis Villanueva at ang tanging babaeng wrestler na si Minalyn Foy-os.

Hindi nakasama si Jason Balabal, 2013 SEA Games silver medal winner, matapos mabigong makakuha ng abiso mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan isa siyang enlisted personnel.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Huling nakalahok ang Pilipinong wrestler sa Olympics noong 1988 Seoul sa pagsabak nina Florante Tirante (men’s flyweight, Greco-Roman; flyweight freestyle) at Dean Manibog (men’s lightweight freestyle). (ANGIE OREDO)