Sa nasabing order, tinukoy ni Judge Marilou Runes-Tamang, ng Quezon City Regional Trial Court, Branch 98, ang “evidence presented during the hearing on the TRO and the issues raised in the petition for prohibition, as well as the possible repercussions on the buying public and the inevitable displacement of the market vendors” bilang isa sa mga inaasahang mangyayari kapag natigil ang operasyon ng palengke.

Binigyang-diin ni Tamang na pinagbabawal ang pamahalaang lungsod at ang mga opisyal nito “from implementing the closure order dated January 29, 2016 of the Balintawak Cloverleaf Market for a period of twenty (20) days from notice hereof.”

Magsasagawa ng pagdinig sa prohibition case kaugnay ng pagpapalabas ng writ of preliminary injunction sa Pebrero 17, 2016, sa ganap na 8:00 ng umaga.

Ang TRO na ipinalabas ng mababang korte ay epektibo lamang sa loob ng 20 araw ngunit umiiral pa rin ang writ of preliminary injunction hanggang sa madesisyunan na ang pangunahing hakbangin.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Pinuri naman ng daan-daang tindero at biyahero sa nabanggit na palengke ang pagpapalabas ng TRO upang pigilin ang pagpapasara sa pamilihan.

Samantala, iginiit naman ni dating Albay Rep. Edcel C. Lagman, abogado ng samahan ng pamilihan, na ang operasyon ng Cloverleaf ay “has been uninterrupted since 1966 until a P25-billion mixed use land development known as the Ayala ‘Cloverleaf Project’ immediately at the back of the market was commenced, the expansion of which may be obstructed by the market site.” (CHITO CHAVEZ)