SIMULA February 13, tatlong naglalakihang kuwento ng pag-ibig ang mapapanood sa pagdiriwang ng third anniversary ng Wagas ng GMA News TV. Extra special ang mga episode na aabangan dahil kinunan ang mga ito sa tatlo sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas — sa Ilocos, Bicol, at Kalinga.

 

Ngayong Sabado, bibigyang-buhay nina Benjamin Alves at Alessandra de Rossi ang nakakakilig na kuwento nina Laura at Jun sa The One Who Got Away na kinunan sa Bangui Windmills at sa makasaysayang Paoy Church sa Ilocos.

 

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

First love ni Jun si Laura. Ngunit naging mapagbiro ang tadhana. Ilang ulit silang pinaghiwalay hanggang sa nagkaroon na ng kanya-kanyang buhay. Pagkalipas ng maraming taon, muling magkikita si Laura at Jun. Ituloy kaya nila ang naunsiyaming pag-ibig o tatanggapin na lamang ang katotohanan na sa maling panahon sila nagmahalan?

 

Isang love story na kasing anghang ng labuyo naman ang pagbibidahan nina Dennis Trillo at Sam Pinto sa Ang Turista at Probinsyana sa February 20 at 27. Ang two-part episode na ito na kinunan sa Bicol ay kuwento nila Rome at Mhaycee na nagkakilala sa kanilang paglalakbay at hindi nagtagal ay napamahal sa isa’t isa. Ngunit kasabay nang paglalim ng kanilang relasyon, mauungkat ang mga lihim ng kanilang nakaraan na susubok sa kanilang pag-iibigan.

 

Samantala, kilala si Whang Od bilang tanyag na tattoo artist. Pero bukod sa kanyang traditional Kalinga tattoos, mayroon pala siyang itinatagong nakakikilig na love story. Bibigyang-buhay ni Janine Gutierrez Ang Pag-ibig ni Whang-Od sa March 5 at 12.

 

Bilang bahagi rin ng anibersaryo ng Wagas, magkakaroon ng Director’s Cut Screening ang lahat ng Wagas episodes na pinagbidahan ni Alden Richards sa February 13, 3 p.m., sa SM Sta. Rosa at sa February 14, 7 p.m., naman sa Eton Centris sa Quezon City.

 

Panoorin ang Wagas tuwing Sabado, 7 p.m., sa GMA News TV.