Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aplikasyon para sa special permit sa mga pampasaherong sasakyan na nais bumiyahe sa Baguio City, kaugnay ng sa selebrasyon ng Panagbenga Festival sa huling linggo ng Pebrero.
Apat na araw o mula Pebrero 26 hanggang 29, ang itatagal ng special permit, na ibibigay ng LTFRB sa mga aplikante.
Pahihintulutan nito ang mga bus mula sa Metro Manila at iba pang public utility vehicle na makapaghatid at magsundo ng dadagsang pasahero sa Baguio City.
Taun-taon ay mayroong 1.5 milyong turista ang dumarayo sa Baguio City para makisaya sa Panagbenga Festival.
(JUN FABON)