MONTERREY, Mexico (Reuters) — Patay ang 52 katao sa sagupaan ng kinatatakutang Zetas drug cartel at ng mga karibal nito sa isang kulungan sa hilagang silangan ng lungsod ng Monterrey, sinabi ng mga awtoridad nitong Huwebes.

Sumiklab ang kaguluhan bago ang hatinggabi sa dalawang lugar sa Topo Chico prison sa pagitan ng mga tagasuporta ng gang leader na si Juan Pedro Saldivar Farias, mas kilala bilang “Zeta 27” at isa pang grupo na pinamumunuan ni “El Credo”, sinabi ni Nuevo Leon state Governor Jaime Rodriguez.

Inilabas ng gobyerno ang pangalan ng 20 sa mga biktima, ngunit hindi pa mabatid kung kasama sa mga namatay sina Zeta 27 at El Credo.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina