NAGPAHAYAG ng kani-kanilang mga mensahe ang limang kandidato sa pagkapangulo sa kanilang proclamation rallies.

Iba’t ibang campaign agenda ngunit iisa ang kanilang target: “Ang pinapangarap kong Malacañang Palace!”

Siyempre, todo-suporta si Pangulong Aquino sa kanyang inendorso na si Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas at sa running-mate nitong si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, sa pangakong ipagpapatuloy nila at palalawigin ang mga programa ng “Daang Matuwid” upang labanan ang korapsiyon at kahirapan.

“Walang papogi, walang drama, walang gimik kundi trabaho lang,” pagmamalaki ni PNoy.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa parte naman nina Roxas at Robredo, sisiguruhin umano nila ang maayos at tapat na paglilingkod sa Roxas City, Capiz, sa pagpapatuloy ng plataporma ng kasalukuyang administrasyon.

Nangako naman sina Vice President Jejomar C. Binay at Sen. Gringo Honasan ng opposition United Nationalist Alliance (UNA) na iaahon ang mga nalulugmok sa kahirapan at ang pag-alis ng buwis sa mga manggagawang kumikita ng P30,000 o mas mababa pa, sa kanilang pangangampanya sa Mandaluyong City.

Ang kapakanan ng mahihirap ang prioridad, paniniguro ni “Nognog”.

Bibigyang-pansin naman nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano ang pagpuksa sa kriminalidad at kaunlaran ng pamumuhay ng sambayanang Pilipino.

Agarang-aksiyon sa krimen at federalism, pangako ni “The Punisher” DU30.

Ipinangako naman nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero sa kanilang mga tagasuportang nagtipun-tipon sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila, na lilinawin nila ang citizenship issue ng una at matapat na paglilingkuran ang mga Pilipino.

Sa Batac, Ilocos Norte naman inilunsad nina Sen. Miriam Defensor Santiago at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kanilang kampanya at nangako na susugpuin ang korapsiyon.

Inulit ni Pangulong ang kanyang pangamba na maantala ang progreso ng kanyang sinimulang ”straight path”governance, ipinagmalaki na ang Pilipinas ang naging isa sa pinakamabilis na umunlad na bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan at mahigit sa 7.7 milyong Pilipino ang nakaalpas sa kahirapan.

Kasabay ng pagsisimula ng kampanya, nagpaalala naman ang mga leader ng Simabahan na manatiling tapat ang mga kandidato at malinis na pangangampanya at eleksiyon. (FRED M. LOBO)