shutterstock_150533705 copy

SA mga nagdadalantao, ang pagkain ng isda linggu-linggo ay may mabuting epekto sa utak ng sanggol sa kanyang sinapupunan, at mapapababa pa ang tsansa na magkaroon ng autism ang bata, ayon sa bagong pag-aaral.

Sa bagong pag-aaral, inantabayan ng mga researcher sa Spain ang 2,000 ina at kanilang mga anak sa unang trimester ng pagbubuntis, hanggang sa lumabas ang bata at maging limang taong gulang. Lumalabas sa resulta na mas mataas ang IQ ng mga bata na ang mga ina ay kumain ng tatlo hanggang apat na serving ng isda kada linggo kumpara sa mga bata na ang ina ay hindi gaanong kumain ng isda habang sila ay ipinagbubuntis.

Lumabas din sa bagong pag-aaral na ang mga bata na ang mga ina ay kumain ng 21 ounce na isda kada linggo (tatlo hanggang apat na serving) sa pagbubuntis ay hindi nakitaan ng kahit anong sintomas na nakasasama ang isda sa kanilang developmental health, kumpara sa mga bata na ang ina ay hindi gaanong kumakain ng isda.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ang nakakagulat pa sa naging resulta ng pag-aaral ay ang mga isda, tulad ng tuna o tilefish—na ipinagbabawal sa mga buntis dahil sa mataas na level ng mercury—ay naiuugnay sa pinakamalaking developmental benefits, ayon kay Jordi Julvez, ang lead author ng pag-aaral at researcher sa Center for Research in Environmental Epidemiology sa Barcelona.

Ito ay patuloy pang pinag-aaralan at inoobserbahan, kaya hindi pa nito napatutunayan ang cause-and-effect relationship sa pagitan ng isda at mataas na IQ.

Ang mga isdang may mataas na mercury level, tulad ng tuna, ay may mataas ding level ng DHA, isang uri ng omega-3 fatty acid na may kritikal na ginagampanan sa brain development at growth, ayon kay Julvez.

“Maybe this effect is masking the negative effects that come from mercury,” sinabi ni Julvez sa Live Science. O, “maybe this is more beneficial than the toxic effect of the mercury itself.”

Base sa rekomendasyon ng U.S. Food and Drug Administration, ang mga nagdadalantao na kumain ng dalawa hanggang tatlong serving ng isda kada linggo, ay namili ng uri ng isda na may mababang level ng mercury, katulad ng salmon.

“Because of this [study], the FDA and EPA in their 2014 draft advice emphasized the benefits of fish consumption among pregnant women and advised a minimum intake while taking care not to consume larger fish that is known to have greater mercury content,” ayon kay Edwin VanWijngaarden, chief of epidemiology sa University of Rochester Medical Center, na hindi sangkot sa nasabing pag-aaral. (LiveScience.com)