Pebrero 11, 1971, nang maging bukas ang Seabed Arms Control Treaty para malagdaan ng iba’t ibang bansa. Ito ay naging epektibo noong Mayo 18, 1972.

Ang kasunduan ay nagbabawal sa pagkabit ng kahit anong nuclear weapon o iba pang armas na makakasakit ng tao, o maglunsad ng kahit anong kagamitan, sa seabed o sa ilalim ng dagat na hihigit sa 12 milyang territorial zone. May mga probisyon din para ito ay beripikahin.

Noong 1960s, nangangamba ang karamihan na baka magamit ang seabeds sa nuclear-related military installations, sa pag-usbong ng oceanographic technology. May kanya-kanyang patakaran ang Soviet Union at United States sa pagbabawal ng paggamit ng armas, ngunit ipinadala ang kanilang pinagsamang draft sa Conference of the Committee on Disarmament (CCD).

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’