NAKATUTUWANG isipin na nababanggit ang pangalan at alaala ni yumaong Pangulong Manuel Acuña Roxas sa paglulunsad ng presidential campaign ng kanyang apo, ang pambato ng Liberal Party na si dating Interior and Local Government Sec. Manuel Araneta Roxas.

Manoling kung tawagin ng mga Capizeño, kabilang ang Ilayan sector na ngayon ay Aklan, si Pangulong Roxas ang paboritong anak at mahusay na pinuno ng Capiz, at siya rin ang ikalimang Pangulo ng republika, at nagtatag ng Liberal Party.

“Welcome to Roxas, the birthplace of President Manuel Acuña Roxas,” saad sa mga streamer na nangagsabit sa paglulunsad ng kampanya ni Mar. Sinulat ng mga tagasuporta ni Mar sa Capiz, nakasaad sa mensahe ang mga emosyonal na alaala tungkol sa yumaong Presidente na tubong Capiz.

Ang lungsod ng Roxas ay kabisera ng Capiz. Ang Roxas City ang sentro ng kampanya ni Mar sa labas ng Metro Manila, at inaasahang mapagkakaisa ang boto ng mga Ilonggo. Kabilang si Roxas City Vice Mayor Ronnie Dadivas, anak ni dating Capiz Rep. Roging Dadivas sa mga pangunahing nagsulong ng kampanya ni Mar sa 6,000-seater na Capiz Gymnasium, na proyekto ni Roging. Simboliko rin ang event dahil sa Capiz sinimulan ni Mar ang kanyang career sa serbisyo publiko.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

***

Hindi makapaniwala ang kaibigan kong Novo Ecijano sa kanyang “uncanny” ngunit nakakatuwang karanasan sa Palayan City LTO kamakailan.

Nagtungo ang aking kaibigan sa Cabanatuan City LTO office nitong Miyerkules ng umaga upang iparehistro ang kanyang sasaktan at mag-renew ng kanyang driver’s license ngunit sinabihan siyang walang stock na license ID. Bumalik siya sa Palayan City, na may layong 15 kilometro, at nagulat siya nang makuha ang bago niyang driver’s license 27 minuto ang nakalipas matapos niyang iabot ang kanyang pirmadong renewal application form.

Kung ikokonsidera ang napakaraming hindi magagandang insidenteng ikinakabit sa LTO, idagdag pa ang kanyang personal na naranasan sa tanggapan nito sa Cabanatuan na karaniwan nang inaabot ng ilang oras bago maserbisyuhan ang isang aplikante, at sa katotohanang hindi pa niya nakukuha ang license plates ng kanyang sasakyan nang ipinarehistro niya ito noong nakaraang taon, tunay na may dahilan siya upang magulat sa pagiging episyente ng Palayan LTO office.

(JOHNNY DAYANG)