Winasak kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P2.67-bilyon halaga ng ilegal na droga sa Cavite.

Base sa report ni Glenn J. Malapad, hepe ng PDEA Public Information Office (PIO), ganap na 9:00 ng umaga nang isalang ang mga droga sa thermal decomposition sa Integrated Waste Management ,Inc., sa Barangay Aguado, Trece Martirez City.

Ang mga sinunog na droga ay kabilang sa mga nasamsam ng awtoridad sa serye ng anti-narcotics operation na may kabuuang timbang na 1,643,824.33 gramo o 1.6 metriko tonelada. Ang mga ito ay ginamit na ebidensiya sa korte sa pagpupursige ng mga kaso laban sa mga sindikato ng ilegal na droga.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng shabu, ketaine, marijuana, ephedrine, aziridine, norephedrine, pseudoephedrine, at iba pang expired na gamot.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Base sa ulat ng Laboratory Service ng PDEA, ang kumpiskadong shabu, na itinuturing na most abused illegal drug sa bansa, ay may timbang na 465,516 .88 gramo at tinatayang aabot sa P2,235,921 ang street value.

Sinabi ni PDEA Usec. Director General Arturo G. Cacdac, Jr. na patuloy ang pinaigting na kampanya ng PDEA at ibang mga ahensiya ng gobyerno laban sa ilegal na droga sa bansa.

Dumalo sa nasabing seremonya ang mga kinatawan ng iba’t ibang Regional Trial Court (RTC) sa bansa. (Jun Fabon)