Kasunod ng pagsisimula ng panahon ng kampanya nitong Martes para sa eleksiyon sa Mayo 9, muling pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga pari na bawal silang magmisa sa mga political activity.

Sinabi ni Tagle na ang banal na misa ay simbolo ng pagkakaisa kaya hindi ito dapat gamitin bilang pagpabor o pag-eendorso sa kandidato.

Sa inilabas na circular ni Tagle, iniatas niyang dapat panatilihin ng mga pari ang pagiging non-partisan ng simbahan, gayundin ang kasagraduhan ng mga sakramento ng misa.

Pinayuhan rin niya ang mga pari na huwag hayaan ang mga kandidato na magsagawa ng mass baptisms, mass confirmations at mass weddings.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya pa, hindi dapat humingi ang mga pari ng pabor o tulong sa mga pulitiko para hindi malagay sa alanganin ang kanilang integridad. (Mary Ann Santiago)