Kris copy

HINDI maubus-ubos ang pasasalamat ni Kris Bernal sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng role ni Tinay, ang 27-year-old na may pag-iisip ng pitong taong gulang dahil may intellectual disability, sa family series na Little Nanay.

“Mahirap man po ang role hindi ko tinanggihan dahil gusto ko namang ma-challenge ang kakayahan ko,” sabi ni Kris.

“Nakakapanibago po ang role na kikilos kang isang seven-year old na kung magsalita ay laging may ‘th’ sa word, pero marami akong natutunan sa tulong din po ng mga kasama ko sa cast, tulad nina Nanay Nora (Aunor) at Tito Bembol (Roco) na most of the time ay kasama ko sa mga eksena kaya naalagaan din nila ang pag-arte ko.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Ang isa ko pang ipinagpapasalamat sa character ko bilang si Tinay, alam kong napamahal ako sa mga sumusubaybay kaya kahit saan ako pumunta, iyon na ang itinatawag nila sa akin.

“Kahit sa mall shows at out of town shows ko, iyon ang isinisigaw nila. Nakakagulat din po na bawat puntahan kong lugar, kasama ang ibang members of the cast, ang itinatawag din nila like kay Nanay Nora, ay Lolay Annie, si Mark Herras, Peter at si Juancho Trivino, Bruce. Kaya nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumusubaybay sa amin gabi-gabi.”

Next month ay matatapos na ang Little Nanay, pero marami pa raw mangyayari sa story, may bago pang characters na papasok at malalaman kung ibibigay ng GMA ang gusto ng fans ni Kris na mawala ang pagkakaroon ng ID at maging normal siya. (Nora Calderon)