Inabsuwelto ng Sandiganbayan First Division si dating Mayor Munib Estino, ng Panglima Estino, Sulu, at kanyang bodyguard, sa kasong homicide sa pagkapaslang sa isang lalaki sa munisipyo noong 2010.

Sa 13-pahinang desisyon na inilabas nitong Pebrero 4, pinaboran ng Special First Division ang demurrer of evidence na inihain nina Estino at PO2 Hector Abubakar, dahilan upang ibasura ang kasong homicide at obstruction of justice laban sa kanila kaugnay ng pagkakapatay kay Mannan Badang, noong Pebrero 22, 2010.

“The evidence of the prosecution is insufficient to support a verdict of conviction,” nakasaad sa desisyon na isinulat ni First Division Chairman Efren dela Cruz at kinatigan nina Associate Justices Rodolfo Ponferrada at Rafael Lagos.

“It has failed to establish its position that accused Estino was responsible for Baddang’s death and that accused Abubakar took the cudgets to exculpate the accused Estino,” ayon sa korte.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi rin ng korte na maging ang sinumpaang salaysay ng mga testigo na nagtuturong si Estino ang nasa likod ng pamamaril ay hindi sapat upang idiin ang dalawang akusado.

“In our jurisdiction, without confirmation from the affiants of the contents of the affidavits and without opportunity from the contending party to cross-examine them render their depositions hearsay evidence,” giit ng korte.

Dahil dito, ipinag-utos ng anti-graft court ang pagbawi sa hold departure order na inilabas laban kina Estino at Abubakar at pagsasauli ng bail bond para sa kanilang pansamantalang kalayaan. (Jeffrey G. Damicog)