ISA sa mga ipinagmamalaking programa ni Arron Villaflor ang All of Me na gumanap siya ng mabigat na role.
Bida-kontrabida si Arron sa seryeng nagtapos nitong nakaraang January 31. Kasama niya sa matagumpay na hapon-serye sina Albert Martinez, JM de Guzman at Yen Santos na aniya ay mami-miss niya pati na ang buong tropa ng cast and crew dahil para nang magpapamilya ang pagtuturingan nila sa set.
“I’m very thankful to have this project and very thankful that Star Magic and Cornerstone are very supportive with the things that I do,” ani Arron. “Nakaka-miss silang lahat.”
Naging daan ang pagkakakasama ni Arron sa Juan dela Cruz project ni Coco Martin para makilala siya as serious actor. Bida-kontrabida ang karaniwan niyang pino-portray.
Nagmula sa Star Circle Quest, ngayo’y masasabing graduate na siya sa pa-cute roles.
“Akala ko kasi parang pa-cute lang ako o may love team na papogi na kinikilig, hindi pala. Iba ‘yung ‘binigay sa’kin ng Diyos,” makahulugang pahayag niya.
Rebelasyon ang pag-amin ni Arron na muntik na siyang mag-quit sa showbiz bago dumating ang All of Me project.
“Dumating sa point na gusto ko nang mag-quit sa showbiz. This was siguro mga four years ago, sabi ko sa magulang ko, ‘Ma, parang ayoko na, gusto ko nang huminto.’”
Saglit siyang natigilan, at nagpatuloy.
“No’ng mga time na ‘yun hindi ko naisip na, ‘Hindi, sige, ‘pag umalis na ako dito sa show business puwede naman akong mag-aral, eh, p’wede naman akong magtrabaho, eh. Pero nagdasal ako kay Lord, sabi ko sa kanya, ‘Lord, tutal naman nahihirapan na ako sa desisyon ko, tulungan mo naman ako, bigyan mo ako ng pagkakataon uli, siguro ikaw na mag-decide para sa akin. Hindi na ako humihingi ng kung ano pa, Lord tulungan mo lang ako sa magiging desisyon ko.”
Pagkaraan ng isang linggo, tinawagan siya ng kanyang manager para sa trabaho sa All of Me.
The power of prayers, ‘ika nga. (ADOR SALUTA)